ISANG LOLO SA MAKATI, LIBRENG NAMIMIGAY NG LIBRO PARA SA MGA NANGANGAILANGAN.
Para kay Mang Nanie, 72-anyos, hindi hadlang ang kakulangan sa budget para makatulong sa kapwa. Sa katunayan, mahigit dalawang dekada na siyang nagpapahiram at namimigay ng libro nang walang bayad. Mistulang silid-aklatan na nga ang kanyang bahay dahil sa dami ng aklat sa loob at labas nito!